NARITO ang kabuuan ng interpelasyon ni Deputy Minority Leader Senador Rodante Marcoleta sa talumpati ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ukol sa kalagayan ni dating Pangulo Rodrigo R. Duterte sa The Hague nitong Miyerkules, Setyembre 24, 2025.
SRDM: Ilang katanungan lamang kung papayagan po ng ating butihing kasama, Sen. Bato?
SEN. BATO: Yes po Mr. President.
SRDM: Ginoong Pangulo, sino-sino po ba ang kasama nung sinasabi po ninyong mga taong kinompose ang ‘welfare team’ na pinuntahan po yung dating Pangulo sa The Hague?
SEN. BATO: Sa ngayon Mr President wala pa tayong hawak na pangalan pero individually ang impormasyon ay sila daw ay mga opisyales from the Philippine Embassy ng The Hague, Netherlands.
SRDM: Kung ang puso po ninyo ay sinugatan ng isang tao o kaya’y nakagawa sa inyo ng isang bagay na masasabi nating nagbigay sa inyo ng matinding kadalamhatian o kapaitan sa buhay, ang nais po ba ninyong kukumusta sa inyong kalagayan, sa pagkakasadlak ninyo sa kalagayan na yan ay ang taong mismong gumawa nito sa inyong buhay?
SEN. BATO: Hindi po dahil alam natin na sila ang source ng inyong kahirapan. They are the reasons why you are there in The Hague. And mukhang hindi ko matanggap na ako ay bibisitahin ng mga tao na yun na sila ang naglagay sa akin sa ganitong sitwasyon. Ikakasuklam ko po.
SRDM: Ibig sabihin, pangkaraniwan na lang na pagka ikaw ay napunta sa ganoong kalagayan, ang inaasahan mong bibisita sa iyo ay mga kaibigan mo o kapalagayan mo ng loob?
SEN BATO: Tama po.
SRDM: So maaaring pag pinuntahan ka ng mga taong alam mong sila ang gumawa sa kinasadlakan mo sa buhay, at siya pa ang bibisita sa yo, hindi ka ba magsusupetsa sa pagpunta nila sa yo?
SEN BATO: Magsususpetsa talaga ako. Ano ba talaga ang motibo at ano ang pakay ng mga tao na ito? Bakit ako binibisita?
SRDM: Sapagkat hindi nga pangkaraniwan na sila ang bibisita sa yo, tama po?
SEN BATO: Tama po.
SRDM: Alam po ninyo, ang representasyong ito ay nagounta rin sa The Hague noong Mayor 31 hanggang Hunyo 1. Ang layunin ko ay dalawang bagay lang. Una, para magpasalamat sa kanya sapagkat isang bukas na aklat na talagang in-endorso niya ang aking kandidatura. Pangalawa po ay upang malaman ko na rin kung ano ang kanyang kalagayan sapagkat sa huling pagkikita po namin sa Hongkong ay Marso 9 pa po yun. At tama ang sinasabi ni kasamang Sen Robin at kasamang Sen Bong, nakita ko po doon habang ako po’y kumakain, sari-saring kulay po ng mga gamot ang binibigay ng nars. Napakarami po hindi ko kayang bilangin. Kaya ang una ko sigurong malaman kung ano na ang kalagayan ng kanyang kalusugan? Yun po kayang dami ng gamot na nakita ko na iba-ibang kulay, ay doon pa rin kaya, at naiinom pa kaya? At ako po ay nagpatulong talaga sa ating embahada sa Netherlands. Kasi madalian po ang aking pagpunta roon, dalawang araw lamang po yan. Mahaba ang lakbay ngunit yan po lamang ang dalawang araw na kailangan ko para makarating. Kaya siniguro ko sana sa kadahilanan yun ay makita ko lang kahit ilang oras lang.
Sa kasamaang palad, ay hindi man lamang ako tinawagan ng embahada. Nagpatulong ako sa ating embahada, kaibigan ko po yung ambassador natin sa South Korea, ang sabi ko ko po, pwede bang tulungan mo ako na kahit ilang minuto lang makausap ko lang, maligaya na ako roon, maipaabot ko lang ang aking pagpapasalamat.
Alam po ba ninyo ginoong Pangulo na ako ay hindi nagkapalad? Hindi po ba kayo nagtataka ngayon kung bakit yung ICC pinayagan na makarating o mabisita ang ating Pangulo sa hindi maipaliwanag na layunin na may welfare check? Kasi po nung ako, masasabi ko na rin na mahigpit daw po, yan lang ang tanging ibinilin lang sa akin ng Embahada bagama’t hindi ko nakausap nang personal.
Ang tinatanggap lang daw po ay miyembro ng pamilya at miyembro ng legal team. Pero nagpakasakali rin po ako sapagkat nasa lugar naman po siguro ang pakiusap ko at bilang paggalang na lang sana nila, hindi na po sa akin siguro bilang ako, kung hindi ang institusyon na aking kinakatawan sapagkat ako ay nanalo nga pong senador noong panahon na yun.
Sa palagay po ba ninyo, dapat po bang biguin ako ng embahada samantalang ganun din naman ang pakay ko? Gusto ko ring makita ang kalagayan ng ating Pangulo?
SEN BATO: Sa kasalukuyan mong status bilang isang senador ng Republika ng Pilipinas, kung ako ang isa sa mga opisyales sa embahada ay gagawa’t gagawa ako ng lahat ng paraan para ikaw ay mabigyan ng pagkakataon na makabisita sa ating mahal dating Pangulong Duterte.
SRDM: Salamat po sa inyong sagot. Hindi naman po lingid sa ating kaalaman na sa mga nakakaraang araw na, kaya po na-postpone yung hearing sa The Hague ng dating Pangulo ay sa kadahilanang may alegasyon po na parang ang ating dating Pangulo ay nagsa-suffer sa tinatawag nilang cognitive impairment o cognitive decline.
Ibig sabihin parang hindi niya na maalala ang ilang mga ibang bagay na nangyayari, nagkakaroon ng disconnect. Kaya daw na-reset o naipagpaliban ang kanyang trial.
Sa palagay ba ninyo ang pagpunta ng team na yun para mag ‘welfare check’ ay para tignan kung talagang totoo ang ginamit na legal excuse ng abogado ng dating Pangulo?
SEN BATO: I could only speculate but I don’t really have the facts on the ground. Sa tingin ko lang talaga ay baka yan ang purpose bakit sila pumunta doon para i-confirm siguro kung talagang totoo ba na may cognitive impairment ang ating dating Pangulo.
xxx… Naobserbahan ko na po kasi I was with the man way back 1986 when I graduated from PMA, when I was assigned in Davao nakilala ko na siya at from then on tuloy-tuloy na ang aming samahan.
Nakita ko po itong the later part o mga buwan bago sya ibinyahe sa The Hague na mayroon nga siyang problema sa na dulot sa kanyang edad, katandaan. Napapansin ko, if you can remember, nung siya’y ating nagiging resource person sa ating hearing, ang kanyang mga sagot minsan paulit-ulit na, pabalik-balik, at minsan, yung mga lugar, dates, at mga insidente na nangyayari ay tila nakakalimutan na niya at mali-mali na yung binibigay niya na mga sagot. Kaya nagdududa ako, nagsimula na noon pa yung kanyang condition na ganoon, cognitive impairment
SRDM: Salamat po sa inyong sagot. Tama rin po ba na pagsuspetsahan ng representasyong ito na hindi naman talaga ang welfare ng dating Pangulo ang kanilang chine-check? Ang aking suspetsa, hindi welfare check eh, parang reality check ang ginawa nila.
Samakatuwid talaga pong hindi tapat ang pagpunta kung ang pag-uusapan ay masiguro lang ang kalagayang pangkalusugan ng ating dating Pangulo kung hindi, matiyak nila na baka naman nagsisinungaling yung abogado niya at ginagawa lang dahilan ang sinasabing cognitive impairment? Tama po ba na pwede akong magsuspetsa ng ganoon?
SRDM: Tama po kaya nasabi ko kanina sa aking privileged speech na we require explanation, the Philippine Embassy at the Hague, an explanation, kung ano ba talaga ang kanilang sadya pagpunta nila doon kay Pangulo Duterte?
SRDM: Tama rin po ba na magsuspetsa ang representasyong ito na mayroong double standard ang International Criminal Court? Sapagkat kung talaga pong mahigpit ang kanilang panuntunan na miyembro lang ng pamilya o kaya miyembro ng legal team ang pwedeng dumalaw sa kanya, bakit ang welfare team na yun kung totoo mang welfare ang kanilang hinahanap ay pinayagan ng ICC? Samakatuwid po ako po’y nagsususpetsa na talagang hindi na parehas ang pagtingin ng ICC. Tama po ba?
SEN. BATO: Tama po. Dahil ano ba ang diperensya between a senator of the Republic of the Philippines at ang mga opisyales ng embahada ng Pilipinas doon sa The Hague? Bakit sila pinagbigyan tapos ikaw hindi? I’m quite questioning the standards of the ICC as fast as visitation rights are concerned.
SRDM: At tama rin sigurong isipin natin Ginoong Pangulo na ang pinakatapat na testimonya ng isang tao na naglalagak ng katapatan sa puso niya na gusto niyang makita talaga ang kalagayan ng Pangulo, ay lalong maisip niya na para siguro mailagak mo sa talagang tamang welfare o pangkalusugan ang dating Pangulo, pinakamabuti na ikaw na rin siguro ang magsikap na makiusap para ang dating Pangulo siguro, habang pending ang kanyang trial ay payagan siguro makauwi sa kanyang bansa? Yun ang pinakatapat na manipestasyon kung sino man, kung ang talagang kalagayan ng Pangulo ang kanilang inaalaga?
SEN BATO: Yes Mr President. The ultimate manifestation about the welfare of the former President, if you really want him to be in good condition, if you’re after his welfare, then I think the best thing to do is to bring him home Mr. President.
SRDM: Maraming salamat po Mr President.



