NAGSAMPA ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mga kasong malversation at graft laban sa ilang regional officers nito sa La Union at Davao Occidental, kasama ang St. Timothy Construction at Silverwolves Construction na sinasabing konektado kay Benguet Rep. Eric Yap, kaugnay ng umano’y maanomalyang infrastructure projects sa mga nasabing probinsya.




