28.4 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Trabaho at ekonomiya

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

PAGKATAPOS makalikha  ang ekonomiya ng trabaho ng 0.94 milyon noong Agosto 2025, nawala ang 270,000 na trabaho noong Setyembre 2025.  Ano ang dahilan nito? Mababawi pa ba ang mga ito?

Nawalan ang ekonomiya bilang ng 270 libong trabaho noong Setyembre 2025 at bumaba nang bahagya ang employment rate  sa 96.2%. Tumaas ulit ang unemployment rate sa 3.8%.  Bakit?  (Table 1)

Anim na sunud-sunod na na bagyo ang bumayo sa Pilipinas noong Setyembre 2015; dalawa sa anim ay nasa kategoryang supertyphoon na may gustiness na lumalagpas ng 180 km bawat oras. Sa ngayon, ito ang pinakaraming bilang ng bagyo sa loob ng isang buwan ngayong taon. (Table 2)

Kahit na ganito ang klima, nakalikha ang ekonomiya ng 0.22 milyong trabaho para sa mga magsasaka at 0.33 milyon sa industriya.  Ngunit nawalan ang service sector naman ng 0.84 milyon na trabaho dahil sa pagsuspende ng trabaho ng limang araw sa malaking bahagi ng bansa noong Setyembre.

Nabawasan ang labor force ng 0.21 milyon dahil sa pagbaba ng labor force participation rate (LFPR) sa 64.5% mula sa 65.7% ngunit nalampasan ng mga nawalang trabaho ang pagbagsak na ito. Ang ibig sabihin ay mas marami ang nawalang trahabo kaysa sa pagbaba ng labor force. Dahil dito, umakyat ang unemployment rate sa 3.8%; ang nawalang trabaho ay umakyat sa 60 libo.


Kasabay sa pagbaba ng bilang ng trabaho sa bansa, bumulusok pababa ang underemployed persons mula sa 5.94 milyon sa 5.52 milyon.

Karamihan sa mga naghahanap ng karagdagang trabaho o 49.4% ay nasa services sector; 29.2% sa agrikultura; at 21.4% ay nasa industriya. Bumaba ang mga bahagdan ng services sector ng 5.2 percentage points at umakyat naman ang nasa agrikultura at industriya.

Karamihan sa mga underemployed ay nagtrabaho lang ng part-time o mas maigsi kaysa 40 oras bawat linggo.  Nabawasan naman ang bahagdan ng mga underemployed na full time ang trabaho o kaya walang trabaho.   (Table 2)

Sa mga walang trabaho, karamihan o 37.9% ay mga kabataan na nasa edad 15 hanggang 24; nadagdagan pa ito ng 1.6 percentage points kumpara sa Setyembre 2024. Bumaba naman nang bahagya ang mga walang trabaho na nasa edad 25 hanggang 34. Bumaba naman ang bahagdan ng mga walang trabahong nasa edad 35 hanggang 44 at edad 45 hanggang 54. Samantala, umakyat ang bahagdan ng mga matatandang 55 at mas mataas pa na walang trabaho.

- Advertisement -

Karamihan sa mga walang trabaho ay mga lalaki; tumaas ito mula sa 50.8% sa 56.2%.

Taliwas sa inaasahan, pinakamataas na bahagdan o 49.3% ang mga walang trabaho na  may pinag-aralan at nakaabot at nakatapos sa college. Ang masama ay  tumaas pa lalo ang antas na ito mula sa 44.9% noong Setyembre 2023.  Bumababa naman ang bahagdan ng mga walang trabaho na nakatuntong at nakatapos sa senior high school, post secondary, junior high school, at elementary school. Kasama sa mga umakyat  na bahagdan ay ang mga walang gradong natapos. (Table 3)

Patuloy ang pagtapyas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa policy interest rates na umabot na sa 4.75%, kapareho noong unang ikalawang linggo noong Nobyembre 2022. Dahil mababa pa rin ang inflation kahit na maraming delubyo at sakuna ang bumayo sa ekonomiya, inaasahang magpapatutuloy ang pagbaba ng interest rates. Dahil dito ay inaasahang makakalikha ang ekonomiya ng mas marami pang trabaho sa hinaharap.

Table 1. LABOR AND EMPLOYMENT
2024 2025 CHANGE
September September 2025vs2024
Persons Above 15 Years Old (Millions)    78.80     79.98 1.18
Labor Participation Rate (%)    65.70     64.50 -1.20
Labor Force (Millions)    51.77     51.56 -0.21
Employed Persons (Millions)    49.87     49.60 -0.27
Employment Rate (%)    96.34     96.21 -0.14
Employment in: (Millions)
   Agriculture      9.90 10.13 0.22
   Industry      8.65       8.99 0.33
   Services    31.32     30.48 -0.84
Unemployed Persons (Millions) 1.89 1.96 0.06
Unemployment Rate (%)      3.66 3.79 0.14
Underemployed Persons (Millions)      5.94 5.52 -0.42
Underemployment Rate (%)    11.92     11.13 -0.78
Source: Philippine Statistics Authority

 

Table 2. TYPHOONS IN SEPTEMBER 2025
Date Peak Speed Peak Gusts Peak Signal
Kiko Sep-02 55 70 1
Lannie Sep-06 55 70 1
Mirasol Sep-16 55 90 1
Nando Sept 20-22 215 295 5
Opong Sep 24-27 110 150 4
Paolo Sep 29-Oct 4 130 201 4
Source: National Disaster Risk Reduction Commission

 

 

- Advertisement -
TABLE 3. UNDEREMPLOYED PERSONS
Hours Worked/Major Industry Group/Age Group/Sex/ Highest Grade Completed September 2024f                         September 2025p CHANGE
Estimate Estimate
     
     
UNDEREMPLOYED PERSONS 5,944 5,523 -421
  Number (in thousands)
  HOURS WORKED IN A WEEK      
    Total         100.0            100.0  
  Worked less than 40 hours           52.3              57.0 4.7
  Worked 40 hours and over           45.5              41.5 -4.0
  Did not work             2.2                1.4 -0.8
   
     
  SECTOR      
    Total         100.0            100.0  
  Agriculture           28.7              29.2 0.5
  Industry           16.7              21.4 4.7
  Services           54.6              49.4 -5.2
SOURCE: Philippine Statistics Authority    

 

 

TABLE 4. UNEMPLOYED PERSONS    
  September 2024f                         September 2025p CHANGE
  Number (in thousands)         1,893            1,956 +63
   
  AGE GROUP
    Total         100.0            100.0  
  15 – 24           36.3              37.9 1.6
  25 – 34           35.6              35.6 -0.0
  35 – 44           12.6              14.1 1.4
  45 – 54             9.0                7.8 -1.2
  55 – 64             5.7                3.7 -2.0
  65 and over             0.8                1.0 0.1
 
  SEX  
    Total         100.0            100.0 0.0
  Male           50.8              56.2 5.4
  Female           49.2              43.8 -5.4
 
  HIGHEST GRADE COMPLETED  
    Total         100.0            100.0 0.0
  No grade completed               –                0.6 0.6
  Elementary             8.7                7.3 -1.4
Undergraduate             4.1                2.4 -1.6
Graduate             4.6                4.9 0.3
  Junior high school           29.7              27.9 -1.7
Undergraduate             6.0                5.3 -0.6
Graduate           23.7              22.6 -1.1
  Senior high school           12.3              12.0 -0.3
Undergraduate             1.0                2.0 1.0
Graduate           11.3              10.0 -1.3
  Post secondary             4.5                2.9 -1.6
Undergraduate             0.1                  – -0.1
Graduate             4.4                2.9 -1.5
  College           44.9              49.3 4.4
Undergraduate           11.1              11.0 -0.1
Graduate           33.8              38.3 4.5
SOURCE: Philippine Statistics Authority

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -