28.4 C
Manila
Biyernes, Hunyo 12, 2026

Tungkol sa isinampang petisyon na kumukuwestiyon sa constitutionality ng FY 2026 Unprogrammed Appropriations sa Supreme Court

- Advertisement -
- Advertisement -
IGINAGALANG ng Department of Budget and Management (DBM) ang karapatan ng kahit sinong indibidwal o opisyal na dumaan sa korte at gumamit ng legal na remedyo.
Sa ngayon, wala pa pong natatanggap na opisyal na kopya ng naturang petisyon ang DBM na sinasabing naisampa sa Supreme Court. Kapag natanggap na ito, maingat naming rerepasuhin ang dokumento at, alinsunod sa tamang proseso, ipapasa ito sa Office of the Solicitor General, na siyang legal counsel ng pamahalaan.
Gayunpaman, naninindigan ang DBM na ang Unprogrammed Appropriations (UA) sa ilalim ng FY 2026 General Appropriations Act ay naaayon sa Konstitusyon. Matagal nang kinilala ng Supreme Court na ang UA ay isang standby appropriation—ibig sabihin, maaari lamang itong gamitin kapag may malinaw at tiyak na kundisyong pinansyal na nangyari, at dumadaan ito sa mahigpit na beripikasyon at kontrol. Hindi ito lump-sum fund at hindi rin ito “blank check” na puwedeng gastusin anumang oras.
Mahalaga ring malaman na ang FY 2026 Unprogrammed Appropriations ay nasa P150.9 bilyon—ang pinakamababang antas mula pa noong 2019. Ipinapakita nito ang mas mahigpit na disiplina sa paggastos at mas pinatibay na mga safeguard sa kasalukuyang budget.
Patuloy na nakatuon ang DBM sa pagsunod sa Konstitusyon, paggalang sa kapangyarihan ng mga hukuman, at pagtiyak na ang pambansang budget ay naipapatupad nang maingat, malinaw, at may pananagutan.
- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -