30.6 C
Manila
Biyernes, Disyembre 13, 2024

Carmona, ang ikawalong lungsod ng Cavite

- Advertisement -
- Advertisement -

ANG Β munisipalidad ng Carmona sa Cavite ang pinakahuling nadagdag sa lumalaking bilang ng mga lungsod sa Pilipinas na sa kasalukuyan ay umabot na sa 149 matapos manaig ang β€œyes” vote sa isinagawang plebesito noong Sabado, Hulyo 8.

Hawak ni Carmona, Cavite Mayor Dahlia Loyola ang certificate of canvass mula sa plebisito ng pagiging siyudad ng Carmona, Cavite na ginanap noong Sabado. TMT FILE PHOTO

Ang Carmona ang ikawalong lungsod sa lalawigan ng Cavite, pagkatapos ng Cavite City, Trece Martires, Tagaytay, DasmariΓ±as, Bacoor, Imus at General Trias.

Bago naging lungsod, ang Carmona ang pinakamayamang munisipalidad sa Pilipinas noong 2021 na may kabuuang P6.212 bilyong asset batay sa pinakahuling Annual Financial Report ng Commission on Audit (COA).

Ang mga resulta na inilabas ng Commission on Elections ay nagpakita na 30,363 sa 31,632 na botante, o humigit-kumulang 96%, ang sumuporta sa ratipikasyon ng Republic Act 11938, o ang batas na ginagawang component city ng lalawigan ng Cavite ang Carmona.

Nilagdaan ito ni Pangulong Ferdinand β€œBongbong” Marcos, Jr. noong Pebrero 23 kung saan iniuutosΒ  ang pagsasagawa ng plebisito sa loob ng 60 araw mula sa pag-apruba ng batas.

Samantala, maliban kung itinatadhana ng batas, ang Lungsod ng Carmona ay magpapatuloy na maging bahagi ng 5th legislative district ng lalawigan ng Cavite.

Ang lungsod ay magkakaroon din ng mga corporate powers tulad ng tuloy-tuloy na paggamit ng corporate name, ang magdemanda at maidemanda, ang magkaroon at gumamit ng corporate seal, upang kumuha, hawakan at ipamahagi ang ilang real o personal property, pumasok sa mga kasunduan at kontrata at upang gamitin ang iba pang mga kapangyarihan, o awtoridad na ipinagkaloob sa mga korporasyon, na kailangang nakasunod sa mga limitasyong nakasaan sa Local Government Code of 1991.

Nakasaad din sa RA 11938, ang kasalukuyang mga halal na opisyal ng Munisipalidad ng Carmona ay magpapatuloy na gampanan ang kanilang mga tungkulin hanggang sa oras na magkaroon ng bagong halalan at ang mga nahalal na opisyal ay maging kuwalipikado at maupo sa kanilang mga katungkulan.

Maging ang mga hinirang na opisyal at empleyado ng Munisipalidad ng Carmona ay magpapatuloy rin sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin at sila ay awtomatikong maa-absorb ng Pamahalaang Lungsod ng Lungsod ng Carmona, ayon pa sa batas.

Matatandaang inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 3698 na naglalayong gawing lungsod ang bayan ng Carmona.

Ayon kay Senator JV Ejercito, ang nag-sponsor sa panukalang batas bilang pinuno ng Senate local government committee, sa oras na malagdaan ang nasabing panukala, ang bayan ang Carmona ang magiging kauna-unang munisipalidad na naging lungsod sa ilalim ng Republic Act 11683, na nag-amyenda sa Local Government Code of 1991 at nagpadali sa proseso ng pag-aaplay bilang siyudad.

Kategorya ng mga lungsod

Sa isang lathala sa https://legacy.senate.gov.ph/publications, ang mga lungsod ay inuri sa tatlong kategorya. Una ay ang Highly Urbanized Cities (HUCs) na may minimum na populasyon na 200,000 at pinakabagong taunang kita na PhP50 milyon; ikalawa ay Independent Component Cities (ICCs) na kung saan ang mga charter ay nagbabawal sa kanilang mga botante na bumoto para sa mga elective na opisyal ng probinsiya; at ikatlo ay Component Cities na hindi nakakatugon sa mga kinakailangan para sa mga HUC at ICC.

Bago ang Carmona, ang Baliwag sa Bulacan ang ika-148 na naging lungsod noong Disyembre 17, 2022.

Ayon sa inilabas na ranking ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa taong 2022, ang Quezon City ang nanguna sa mga HUC batay sa Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure, Resiliency, and Innovation. Kasama sa sampung nanguna ay ang mga Lungsod ng Maynila, Pasay, Davao, Muntinlupa, Makati, Iloilo, Cagayan de Oro, Bacolod at Valenzuela.

Ang 10 nangunang Component Cities sa kaparehong batayan ay ang mga lungsod ng Naga, Legazpi, Antipolo, Tagum, Calapan, BiΓ±an, Tuguegarao, DasmariΓ±as, Batangas at San Fernando sa Pampanga.

Selebrasyon

Isang mini-concert ang ginanap sa covered park sa harap ng municipal hall ng Carmona matapos ipakita ni Mayor Dahlia Loyola at Cavite Fifth District Rep. Roy Loyola ang certificate of canvass sa mga tao sa loob ng venue.

Umiiyak si Loyola habang nagpasalamat sa mga bumoto at nagpakita ng suporta sa cityhood bid ng Carmona.

Pagkatapos ay ipinakita ng alkalde ang bagong selyo ng Carmona City sa isang audio-visual presentation.

Sinabi naman ni Congressman Loyola, ang nagsulong ng panukalang batas sa House of Representatives, na umabot ng halos 12 taon para maging ganap na lungsod ang Carmona.

Ang cityhood bid ay suportado nina Senators Ramon “Bong” Revilla Jr., Francis Tolentino, Emmanuel Joel Villanueva at Joseph Victor “JV” Ejercito.

Sinabi ni Mayor Loyola, sa isang panayam, na ang conversion ay magtataas ng internal revenue allotment ng Carmona.

“Matagal na nating hinangad ito dahil ang isang component city ay mayroong fiscal autonomy, hindi mo kailangang i-remit ang iyong bahagi ng real property tax sa probinsya. Maraming munisipyo ang naghahangad na maging lungsod,” dagdag ng alkalde. May dagdag na ulat si Rufina Caponpon

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -