29.3 C
Manila
Biyernes, Disyembre 13, 2024

Para tulungan ang mga micro-establishment, nagsagawa ng technical advisory visit ang DoLE

- Advertisement -
- Advertisement -

SA hangarin na gabayan at tulungan ang mga micro-establishment na sumunod sa mga batas-paggawa, naglunsad ang Department of Labor and Employment (DoLE) sa Mimaropa, sa pamamagitan ng Occidental Mindoro Provincial Office, ng kanilang Technical and Advisory Visit o TAV, sa sampung munisipalidad sa Occidental Mindoro at katimugang bahagi ng Oriental Mindoro.

Mga larawan sa ginanap na Technical and Advisory Visit

“Isinusulong natin ngayon ang developmental approach sa ating micro-establishment dahil malaki ang kanilang kontribusyon sa ating ekonomiya. Sa pamamagitan ng TAV, ang mga employer at manggagawa ay bibigyan ng kaalaman sa kanilang mga karapatan at pananagutan, tungo sa kultura ng boluntaryong pagsunod sa mga batas- paggawa. Panahon na para magkaroon ng makatarungan, mura, at mabilis na pagwawasto sa mga paglabag sa batas-paggawa”, pahayag ni DoLE OccMin Provincial Director Peter James Cortazar.

Ang Technical Advisory Visit ay bahagi ng Labor Standards at iba pang batas-paggawa, sa ilalim ng Department Order No. 238, series of 2023, o ang Rules on the Administration and Enforcement of Labor Standards sa ilalim ng Article 128 ng Labor Code of the Philippines, as Renumbered, at Republic Act No. 11058, na ipinatutupad ng DoLE. Kasama rin dito ang Labor Inspection at Occupational Safety and Health Investigation.

Sa Oriental Mindoro, 549 micro-establishment ang lumahok sa mga onsite TAV session mula Mayo 16 hanggang Hunyo 22, 2023, sa Sta. Cruz, Mamburao, Abra de Ilog, San Jose, Calintaan, Sablayan, Magsaysay, at Occidental Mindoro, kasama din ang Roxas, Mansalay, at Bulalacao.

Sa ilalim ng TAV, nagbibigay ang labor inspector (LIs) o ang assistant labor inspector (ALIs) sa mga micro- establishment (MEs), o iyong may isa hanggang siyam na empleyado, ng labor education para itaas ang kanilang kaalaman sa General Labor Standards, Occupational Safety and Health Standards (OSHS), Child and Family Welfare Program, Productivity Toolbox, at iba pang mga patakaran at programa ng DoLE.

Sa bawat sesyon, tinutulungan ang mga micro-establishment na kumpletuhin ang checklist ng pagbisita at pagtukoy sa kanilang mga kakulangan sa pagsunod. Mula doon, babalangkas sila ng kanilang mga minungkahing pagwawasto at pangangailangang tulong-teknikal. Iwawasto ang mga pagkukulang sa loob ng tatlong buwan, ayon sa pagsubaybay ng DoLE LIs o ALIs.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -