27.6 C
Manila
Biyernes, Enero 17, 2025

MANO PO, TATANG: Paano ang isang alaala sa pagkabata ay nagsilbing inspirasyon na magtrabaho sa SM

- Advertisement -
- Advertisement -

KUNG sasabihin mo kay Johans Juruena na magtatrabaho siya sa SM, 12 taon matapos niyang makilala ang nagtatag nito na si Henry Sy Sr., malamang ay hindi ka niya paniniwalaan.

Taong 1978, laging inaabangan ng siyam na taong si Johans ang kanyang taunang pagbisita sa Maynila tuwing summer. Punung-puno ng mga alaala ang kabataan nito dahil tuwing summer ay sumasama siya sa kanyang ina na si Erlinda sa dating Shoemart sa kahabaan ng kalye ng Carriedo sa Quiapo, Maynila, kung saan ay namamasukan ito bilang sales clerk.

Maliwanag pa sa kanyang alaala kung anong itsura ng mismong store doon, “Ang ibinebenta d’un, may men’s shoes, may ladies’ shoes, may pambata na rin talaga. May glass showcase sa gitna kung saan nand’un yung mga naka-display na sapatos,” saad pa nito.

Isa sa mga Portraits and Snapshots ni Henry Sy Sr. noong 1940s-2000s sa Men’s Shoes section ng SM.

Gayunpaman, mayroong isang partikular na pagtatagpo ang maghuhulma sa magiging propesyon niya sa hinaharap. Summer noong panahon ding iyon, hindi inaasahang makikilala ni Johans ang may-ari ng naturang shoe store — si  Henry Sy, na magiliw na tinatawag ng mga empleyado ng SM bilang “Tatang.”

Malapitang pagtatagpo kay Tatang

Si Johans ay agad na pinaalalahanan ng kanyang ina na magbigay galang sa pamamagitan ng pagmamano, ito ay nakaugalian na bilang pagpapahayag ng respeto sa mga nakatatanda sa pamamagitan ng pagdampi sa noo ng likod ng kamay bilang tanda ng “blessing” o pagpapala.

“Nung bumisita si Tatang sa Carriedo para i-check yung display and items, nagkataon na nandoon ako. Isa ako sa mapalad na nakapagmano kay Tatang,” salaysay pa nito. “Nakangiti siya. Iniabot pa niya ang kamay niya para makapagmano ako.”

Habang inoobserbahan ni Johans ang naturang may-ari, naulinigan nito kung paanong si Tatang ay malimit tanungin ang mga empleyado tungkol sa kung ano ang kailangan ng mga mamimili. “Ano ba ang hinahanap ng customer na wala tayo?” pagtatanong ni Tatang. “Ano ba ang kailangan ng customer na wala tayo?”

Sa maikling pagtatagpong iyon, nalaman ni Johans kung ano ang pinakamahalaga kay Tatang — iyon  ay ang pagbibigay sa kinakailangan ng kanyang mamimili.

Pagtatrabaho sa SM

Taong 1990, kakatapos lamang mag-kolehiyo ni Johans noon nang siya ay maging bahagi ng SM. Nagsimula siyang mamasukan bilang sales utility clerk, na siyang humaharap sa mga customer araw-gabi.

“North EDSA ang first Supermall ng SM. N’ung panahon namin n’un, pag-open pa lang nang 10 o’clock, pag-roll up, yung mga customers nasa may entrance na sila. Grabe ang foot traffic ng North EDSA,” pagkukuwento pa ni Johans.

Ang sunod na pagkikita nila ni Tatang ay nangyari habang siya ay nag-aasikaso sa may Men’s Shoes section sa SM Store ng North EDSA. “Nakita ko siyang bumisita. Supervisor na ako noon sa Men’s Shoes — 1996 o 1997. Yung araw na ‘yun, wala ‘yung manager, naka day-off. Usually, ‘yung una niyang pinupuntahan yung Men’s Shoes. Naka- ready kami lahat,” pagbabahagi ni Johans.

Johans distinctly remembers how Tatang reminded him to keep the sandals and other footwear clean. That way, the customers could appreciate their products better. It was a simple but important lesson that Johans would carry with him even in the decades to come.

Pagpupugay sa legasiya

Ngayon ay 2023 na. Marami man ang nagbago, may ilan pa ring nanatiling pareho ng dati. Isa na dito ang SM na sa kasalukuyan ay nagdiriwang ng kanilang ika-65 na anibersaryo sa industriya.

Ang pagtatrabaho ni Johan sa SM ay isang patunay na hindi lamang dahil sa pangmatagalan nang pangako ng kompanya na manguna sa pagsisilbi sa mga mamimili, kundi upang isabuhay ang pamana ni Tatang. Sa kasalukuyan, si Johan ay isa nang ganap na manager sa SM Store sa Quiapo, kasama ang mga taong naniniwala sa kanyang pamumuno at sumusunod sa kanyang patnubay.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -