MULING ipinagkaloob ng lokal na pamahalaang lungsod ng Parañaque sa pangunguna ni Mayor Eric Olivarez ang bagong speedboat sa City Agricultural, Fisheries, and Aquatic Services Office kahapon ng umaga (Disyembre 11, 2023) sa Parañaque City Hall Grounds.
Ayon sa punong lungsod, ang speed boat na ito ay magagamit para sa Bantay Dagat program na naglalayong alagaan at protektahan ang marine environment, gayundin na mabigyan ng serbisyo ang mga coastal barangay sa lungsod.
Bukod din sa speed boat, ipinagkaloob din sa naturang ahensya ang mga boat engines.
Ang naturang seremonya ay pinangunahan ni City Administrator Atty. Voltaire Dela Cruz kasama sina City Agriculture Office OIC Amie Hernandez, District 1 City Councilor Allen Tan, City Tourism Office at Public Information Office OIC Melquiades I. Alipo-on, at ang mga kawani ng General Services Office sa ilalim ni Josephine Mary Centena.