UMABOT sa P170 milyon ang halaga ng tulong pinansyal na sama-samang inihatid ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng iba’t ibang ahensya para sa Batangas, Laguna, at Quezon Province ngayong Hulyo 11, 2024.
Sa kanyang mensahe sa San Jose, Batangas, ibinahagi rin ni PBBM na mula 2023 hanggang 2024, halos P10 bilyon na ang halagang naibigay ng pamahalaan para sa mga proyektong pang-imprastraktura sa Region 4-A. Mula sa Facebook page ng Presidential Communications Office at Bongbong Marcos