NARITO ang palitan ng paliwanag nina Senator Risa Hontiveros at Pagcor Chairperson Alejandro Tengco sa ginanap na POGO hearing kahapon, Hulyo 10, 2024. Sipi ito mula sa website ng Senate of the Philippines.
Senator Risa Hontiveros (SRH): Yung tanong ko tungkol dun sa former Cabinet official who lobbied on behalf of illegal POGOs.
Pagcor Chairperson Alejandro Tengco: Magandang umaga po, Senator Risa. Gusto ko lang po sa pagkakataong ito ikwento yung nangyari sometime in July 2023, kung saan mga ikatlong linggo po yun ng Hulyo 2023 tumanggap po yung aking tanggapan ng tawag mula kay dating Secretary Harry Roque. Doon ay humihingi po siya ng appointment sa akin.
Noon pong ika-26 ng Hulyo 2023 din, nagkaroon po ng pagkakataon na bumisita po sa aking tanggapan sa Pagcor noong po ay nasa Ermita pa kami. Siya po ay nabigyan ng appointment at siya po ay dumating sa aking tanggapan. Kasama ko po noon sa aking tanggapan ay si Atty. Jessa Fernandez na nandito rin naman. Siya po ang head ng OGLD. Dumating po si dating Secretary Harry Roque kasama po ang isang babae at ipinakilala po niya sa amin ni Atty. Jessa. Ang babaeng yun ay si Cassandra Lee Ong.
At sa kanya pong pagpapakilala sa amin ay sinabi po niya sa may problema pong hinaharap si Binibining Cassandra Lee Ong at ito’y nauukol sa kanyang pagbabayad ng lahat ng mga billing ng kumpanyang kinakatawan niya sa Pagcor.
So tinanong ko po si Binibinibing Casandra Ong kung ano po ang problema. At sabi po niya ay siya daw po ay nagtiwala sa kanilang authorized representative na nagngangalang Mr. Dennis Cunanan. At yun daw pong anim na buwan na dapat ibinabayad nilang mga buwis sa Pagcor ay binibigay niya kay Ginoong Dennis Cunanan para ibayad sa Pagcor. At bukod daw po doon sa mga na mga dapat bayaran sa Pagcor, ang sinabi ni Binibining Cassandra Ong, may sinisingil pa raw na mga additional fees na fines and penalties si Ginoong Dennis Cunanan sa kay Cassandra.
So, ang kwento po niya, buwanan po ibinibigay niya yung pera kay Ginoong Dennis Cunanan at pinaniniwalaan niya na yun ay ibinabayad sa Pagcor. Kaya nagulat po sila nang magpadala ng sulat ang tanggapan ni Atty. Jessa Fernandez sa kanila, na nagsasabing meron silang arrears na anim na buwan. Humigit kumulang po yun sa 500,000 dolyares, US dollars.
So sabi ni Cassandra, sa aking naalala, “Chairman, ang totoo po habang tayo’y nag-uusap, meron na pong nagbabayad sa Land Bank of the Philippines sa account ng Pagcor para po yung arrears na humigit kumulang sa $500,000 ay mabawasan.” So sabi ko sa kanya, “Bakit ka nagtiwala kay Ginoong Dennis Cunanan at hindi ka nalang nagbabayad ng diretso sa Land Bank of the Philippines account ng Pagcor?” Ang sabi po niya, ay si Ginoong Cunanan ay pinagtitiwalaan niya sapagkat siya ang nag-facilitate ng lisensya ng kumpanyang kinakatawan niya at ganoon din siya ang official na kinatawan ng kumpanyang yun na naka-register sa Pagcor.
So, sabi ko po sa kanya, “Ano po bang inyong pakay dito?” Una’y nakikiusap sila na kung maaari mabigyan sila ng pagkakataong mabayaran yung arrears. At, inulit ko, sinabi niya, habang kami nagpupulong noon, meron na noon nagbabayad sa LandBank ng portion lamang $500,000. Bukod po doon, hinihiling po nila, dahil sa kami po ay nagbago na ng patakaran at ng struktura nung Hulyo, mage-expire po yung lisensyang in-issue noong nakaraang board ng Pagcor sometime po ng October 2023. Eh dahilan sa kami ay nagbigay ng panibagong mga panuntunan or guidelines, gusto na nilang magpasa din ng reapplication.
SRH: Chair, if I may interrupt, sa pagitan po nung Hulyo, na nakipag-meeting sa inyo si dating Secretary Roque at kasama si Ms. Cassandra Ong, at yung Oktubre na mage-expire yung lisensya nung inilalakad niyang POGO, nag-follow up ba si dating Secretary Roque sa inyo?
Tengco: Hindi po. At liliwanagin ko din. Si Secretary Roque po’y nandun. Hindi naman po siya nag-pre-pressure. Siya lang din po ay nakikiusap na kung maaari lang ay matulungan yung si Cassandra Ong. So, hindi pa po siya nagpa-follow up noon. Dahil po…
SRH: Hindi pa po nagpa-follow up noon? Pero nag-follow up eventually?
Tengco: Dahil noong September po, yung pong, ang sabi ko po doon sa pulong, kung kayo ay magre-reapply ulit dito sa bagong patakaran at guidelines ng Pagcor, mangyaring isumite mo lahat ng mga dokumento na kailangan namin sa ngayon. Dahil sa iniba na namin ng struktura, hindi na basta-basta kayo makapaga-apply pag hindi nyo susundin yung bago naming guidelines.
SRH: Dahil ganoon po yung sinabi niyo sa kanya, pagkatapos nung July meeting, pero nandun kasama nyo nung July meeting si Atty. Jessa, hindi nag-follow up sa inyo si dating Sec. Roque, pero nag-follow up po ba siya, halimbawa, kay Atty. Jessa?
Tengco: Ipagpapatuloy ko lang po. Pagkatapos naman po, yun po ang sinabi ko sa kanila. May bagong patakaran na. Maghihigpit na po kami dahil nga sa nakita nating mga naganap noong bandang Mayo noong pnaahon na ngayon at maraming lumalabas na hindi magagandang balita tungkol sa mga licensees ng Pagcor nakapag-file po sila sometime in September na 2023.
Babalikan ko lang po, noon ding hapon na yun, pina-check ko, tunay nga pong nagbayad si Cassandra or yung kinatawan niya sa Landbank sa pamamagitan po ng kopya ng deposit slip ng humigit kumulang mga $203,000.
SRH: So ito po sa pamamagitan ni Mr. Cunanan?
Tengco: Hindi po. Nung pong kausap ko ulitin ko po, nung kausap ko po si dating Secretary Harry Roque gayon din po si Binibining Cassandra at kami nga po ni Atty. Jessa ang kaharap. Sabi po niya, habang nakikipag-usap po sila sa akin, meron na pong kinatawan na nagbabayad sa LandBank. So para po ma-validate yung sinabi niya sa amin na yun, ang utos ko po kay Atty. Jessa eh, pakisubaybayan mo nga kung tunay na sila’y nagbayad noong araw na yun. Wala po siyang bilanggit kung magkano. Ang sabi lang po niya, sila po ay kasalukuyang may kinatawan na silang nagbabayad doon sa Land bank.
Senator Nancy Binay: Pati yung dideposito nila, kulang pa din po yun?
Tengco: Opo. So, nung hapon nga po, sabi ko kay Atty. Jessa, pag alis na po nila, pakisubaybayan natin kung totoo yung sinasabing magdedeposito sila. So, nung hapon din yun po, nakatanggap na kami ng bank deposit slip sa account po ng Pagcor at ito po ay nagkakahalagang $203,000. In short, Senator Binay, hindi po yung kabuuang amount na $500,000 ang naibayad. Kasi sabi din po, eh baka din daw pwedeng payment over time yung arrears dahil nga naloko sila ni Ginoong Dennis Cunanan.
So, pagkatapos po noon, wala naman pong pakikipag-usap sa akin na si Atty. Harry Roque at nakapag-file po sila ng reapplication noong September 2023. At doon po, nakita na na nung panahon ng nakarang administrasyon ng Pagcor, ang lisensya po nila ay para sa 3,000m2 lamang. Pero dito po sa reapplication nila na natanggap po namin noong September 2023, 9,000m2 na po ang ina-applyan nila.
SRH: So triple na po sa original.
Tengco: So tatlong beses po doon sa original na napagkaloob sa kanilang lisensya ng Pagcor noong panahon po noong nakarang administrasyon. So doon po prinoseso na po yung application nila. At marami po silang mga kulang na mga ibang mga dokumento dahil naghihigpit na po kami. After dun po, diretso na pong tumatawag si Atty. Roque or nakikipag-ugnayan kay Atty. Jessa Fernandez.
SRH: Ilang beses po tumawag si dating Sec. Roque kay Atty. Jessa?
Tengco: Pwede po bang si Atty. Fernandez po ang aking pasagutin dahil sa kanya po diretsyong nagpa-follow up si Atty. Roque?
Senator Binay: To reiterate, after ho noong meeting na yun, never niyo na ho nakausap si…
Tengco: Hindi po, wala na po. At uulitin ko din po, hindi po naman niya ako pine-pressure. Kung bagay, bilang abogado siguro, bilang kliyente niya, nagpa-facilitate lang at nakikiusap po siya.
Senator Binay: So parang sinamahan niya lang po yun?
Tengco: Sinamahan po niya. Maliwanag po yun. Dahil doon ko po nakilala si Binibining Cassandra. Doon nga pala tinanong ko rin if I may just, “Ma’am bakit po si Dennis Cunanan ang inyong representative kung kayo naman ang talagang nagpapatakbo niyan?” Noon daw pong panahon na naga-apply sila ng lisensya, siya daw po ay inadvise-an ng kanyang abogado at ng Pagcor na baka masyado siyang bata na maging authorized representative.
SRH: Sapagkat noong panahon po na yun, noong 2020, kung di ako nagkakamali, ang banggit po niya sa akin siya’y 19 na taong gulang lamang. Teenager. Sino pong abogado niya na nag-advise?
Tengco: Wala pong sinabi sila eh. Kaya sabi niya, ang pinili po namin ay si Mr. Dennis Cunanan na lang ang maging authorized representative ng kumpanya dahil siya naman ang nagpa-facilitate ng lisensya namin sa Pagcor. So, kung pahihintulutan niyo po, sa akin po, sa tanong ni Senator Binay, hindi na po nakipag-ugnayan si Atty. Harry Roque. Si Atty. Jessa po, na siyang head ng licensing.
SRH: Ilang beses kayo tinawagan ni dating Secretary Roque o ilang beses po siya kumausap po sa inyo pagkatapos ng pulong noong July 2023?
Pagcor AVP Jessa Fernandez: Ma’am, sa pagkaka-trace ko po, five times po siya tumawag. Nagtatanong lang naman po siya kung ano po yung mga lacking documents na kailangan pang i-comply.
Then sinendan ko po siya ng listahan kung ano pa po yung kailangan nilang i-comply at nag-reply po siya doon ng salamat. Then isang beses naman po, nag-message po siya na ini-inform lang po ako na nag-retain po sila ng lawyer for the AMLC filing and it will be filed in three weeks latest. Thanks and FYI.
Then dalawang beses po na tawag niya, hindi ko po nasagot dahil po meron po akong meeting. And then isang beses po ay nagpa-follow up po ulit siya kung ano po yung status ng application nila ng Lucky South.
SRH: So lahat-lahat po, Atty. Jessa, may isang text si dating Sec. Roque, may limang tawag na nakapagusap kayo, plus dalawang tawag na hindi niyo nasagot, plus isang tawag pa. So lahat-lahat, siyam na beses si dating Sec. Roque nag-follow up sa inyo?
Fernandez: Anim lang po ma’am. Bale, tatlong nasagot, dalawang hindi nasagot, and then nung May 14, 2024 po, in-inform ko po siya ng decision po namin na i-deny ang application ng Lucky South because nakakita na po talaga kami ng reason para po hindi na po talaga sila bigyan ng lisensya at that time.
SRH: Salamat po. So, anim in total yung pag-follow up niya. Usually, tatlo. Ano na yun eh. Par for the course na. Pero doble pa doon.