PINANGUNAHAN ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, Jr. kasama sina Philippine National Police (PNP) Chief Francisco Marbil at National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Jose Melencio Nartatez ang Grand Launch ng Revitalized – Pulis sa Barangay Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (R-PSB BIDA) sa NCR na ginanap sa Camp Bagong Diwa Grandstand noong ika-3 ng Agosto.
Pinaalalahanan ng kalihim ang mga kapulisan ang pagpapahalaga sa buhay ng tao at isailalim sa tamang proseso ang paghuli ayon sa nakasaad sa batas. Mula sa Facebook page ng DILG Philippines