CONGRATULATIONS sa Philippine Sambo athletes na lumahok sa Sjjif World Jiu Jitsu Championship 2024 sa Nagoya, Japan noong Setyembre 26-29, 2024. Nanalo ng ginto bawat isa ang dalawang atleta sa kanya-kanyang kategorya.
Si Godwin Langbayan ay nanalo sa Male Brown Master 1 Light samantalang si Chino Sy ay nanalo sa Male Blue Adult Super Heavy category.
Samantala, si Aaron Jude Bado ang nag-iisang medalist sa nakaraang World Boxing Cup 2024 na ginanap sa Ulaanbaatar, Mongolia. Si Bado ang nagkamit ng bronze medal kahit itinigil ang laro dahil sa injury. Nanalo siya dahil sa points na nagresulta sa split decision.
Napanalunan niya ang Men’s 51 kg. division.
Mabuhay ang mga #BidangBayaningManlalaro.