ANG BMBE-Online ay isang 24/7 web-based system na nagpapadali sa pag-apply at pagproseso ng Barangay Micro Business Enterprise registration.
Layunin ng BMBE Act of 2002 na suportahan at palaguin ang maliliit na negosyo sa barangay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga benepisyo tulad ng:
• Exemption sa income tax at minimum wage law
• Prayoridad sa pautang
• Training at marketing assistance
Libre ang pagpaparehistro, at valid ang certificate ng dalawang taon.