26 C
Manila
Huwebes, Disyembre 12, 2024

Sen ‘Koko’ Pimentel III kinondena ang napabalitang pagkakatuklas ng 800 sako ng mga labi sa Marikina City Public Cemetery

- Advertisement -
- Advertisement -

MARIING kinondena ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang napabalitang pagkakatuklas ng 800 sako ng mga labi sa Marikina City Public Cemetery.

Sabi niya, “Kinokondena ko ang pangyayaring ito. Isa itong malinaw na kalapastanganan sa mga patay at pagbabalewala sa damdamin ng mga naiwang pamilya. Ang ganitong uri ng pagtrato ay hindi makatarungan at isang malinaw na kapabayaan ng City Government of Marikina.

”Maliwanag sa Local Government Code of the Philippines of Batas Republika 7160, na isinulat ng aking yumaong ama na si Ka Nene Pimentel, na ang pamamahala sa sementeryo ay kasama sa pangunahing responsibilidad ng city o municipal government.

”Ayon sa Section 17, paragraph (2), isa sa mga pangunahing serbisyo ng isang munisipalidad o lungsod ang “maayos na pamamahala ng isang pampublikong sementeryo.”

“Hindi maaaring maghugas-kamay ang sinomang may pananagutan dito. Malinaw na ang responsibilidad sa pamamahala ng pampublikong sementeryo ay nasa City Government of Marikina.

”Bukod sa itinatadhana ng Local Government Code, malinaw rin sa Marikina City Ordinance No. 020-2010 na kinakailangan ng tamang proseso at dokumento bago buksan ang anumang puntod o alisin ang mga labi mula sa sementeryo.

“Sa ilalim ng Ordinance No. 020-2010, nakasaad sa Section 11 na bago buksan ang isang puntod, kailangan ng nakasulat na pahintulot mula sa lisensyado o sa susunod na kamag-anak ng yumaong nasasakupan. Higit pa rito, nakasaad sa Section 9 na bago maganap ang alin mang interment, cremation, o paglipat ng mga labi, kailangang kumuha ng permit mula sa City Health Officer.

”Malinaw na pinayagan ng City Government na mangyari ito. Mayroong mga umiiral na panuntunan at proseso na dapat sundin, kaya’t anumang paglabag dito ay hindi dapat pinalalampas. Kailangang papanagutin ang mga nasa likod ng kapabayaang ito, at tiyakin na hindi na muling mauulit ang ganitong kalapastanganan at kapabayaan.

“Nakakalungkot na marami sa pamilya ngayon ay hindi man lamang makapagtutulos ng kandila sa puntod ng kanilang yumaong mahal sa buhay.

”Ipagdasal natin ang mga yumao ngayong Undas. Ipagdasal din natin ng kaliwanagan ng pag-iisip ang ating mga lider.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -