27.9 C
Manila
Linggo, Abril 27, 2025

Cayetano nilinaw ang mga kasinungalingan ni de Lima: ‘Never kong sinabing patayin ang adik’

- Advertisement -
- Advertisement -

 

“You’re making me out to be a monster, Ma’am. Hindi naman totoo.”

Ito ang sagot ni Senator Alan Peter Cayetano nitong Huwebes (Marso 13 sa paratang ni dating Senador Leila de Lima na binalewala umano niya ang karapatang pantao sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Sa isang Facebook livestream, inisa-isa ni Cayetano ang ilan sa mga hakbang na ginawa niya sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para isulong ang karapatang pantao ng mga ordinaryong Pilipino.

Isa rito ay ang pagtulong niya na i-rehabilitate ang mga napatunayang drug addict sa Taguig.

Taliwas aniya ito sa naratibong pilit itinutulak ni de Lima sa publiko na pabor siya sa pagpatay sa mga drug addict.

“Ang addict po ay biktima – uulit-ulitin ko po y’un. Tignan niyo lahat ng statements ko. Never kong sinabing patayin ang addict kasi ang addict ay biktima,” hamon niya.

“Dapat sila ay gamutin. Dapat sila ay bigyan ng oras. At kami po ay may mga programa sa rehabilitation. Nandito po ang main rehabilitation sa Taguig,” pagpapatuloy niya.

Nasa Bicutan, Taguig ang pinakamalaking rehabilitation facility ng Department of Health, na may kapasidad na 550.

“Dinala ko po y’ung mga reporters dito. Hindi ka sumama, ma’am. Senador ka naman, pwede mo tignan y’ung rehab,” wika ni Cayetano.

Sa isang media interview noong September 2021 sa iFM Cebu, sinabi ni Cayetano na kung ipagpapatuloy niya ang kampanya kontra droga ay tututukan niya ang ispiritwal na pagbabago ng indibidwal at ang medikal na aspeto ng adiksyon.

“Kailangan may medical approach ka, kasi nga nabiktima ‘yang mga ‘yan. Naging addict ‘yan not because they wanted to, but they were curious and the drugs took over their minds and hearts. So dapat may medical intervention din,” pahayag niya.

Makailang beses niya ring tinalakay ito sa ilang mga pagtitipong kaniyang dinadaluhan, pati na sa kaniyang taunang pagbisita sa mga nakakulong sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) facility sa Taguig.

“Malaking porsyento ang nasa kulungan ay may kinalaman sa drugs. Nahihirapan kasi sila mag rehab sa addiction sa drugs. It’s the one thing that I’m looking at-how to have an effective drug rehabilitation program sa loob ng jails,” wika niya sa mga nasa Taguig City Jail at sa Metro Manila District Jail noong November 10, 2023.

Bukod dito, binanggit din ni Cayetano ang mga ginawa niya para protektahan ang karapatan ng overseas Filipino workers (OFWs) sa panahon ni Duterte.

Kabilang dito ang paglunsad ng eksklusibong online portal para sa OFWs upang maprotektahan sila sa mga sindikatong nanghuhuthot ng pera kapalit ng pagkuha ng passport.

Sinita rin ni Cayetano si de Lima dahil aniya, walang nagawa ang dating kalihim ng Department of Justice para ayusin ito.

“Hindi niyo po binanggit na n’ung panahon po n’yo bilang Justice Secretary ay bukod sa napakahirap kumuha ng passport, never n’yo tinanggal ang sindikato doon sa passport,” sabi ni Cayetano.

Dagdag pa niya, nahirapan ang mga OFW noong panahon ni de Lima, kaya’t bilang Foreign Affairs Secretary noon, itinaas niya ang legal assistance fund para sa OFWs na may kaso sa abroad sa P1.3 bilyon.

“Minsan sa korte na magkakaroon ng abogado. Inayos po natin ‘yan dahil ang bawat OFW tinatawag nating hero pero wala naman palang legal assistance fund na sapat,” sabi ni Cayetano.

“So let me know how you can say na wala kaming pakialam sa human rights when everything we did was for people’s human rights,” mensahe niya kay de Lima.

Hinikayat din ni Cayetano ang mga fact-checking groups na busisiin ang mga pahayag ni de Lima.

“I-fact-check n’yo na lahat ng sinabi ni Senator de Lima kasi ang daming mali sa sinabi niya,” panawagan niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -