31.7 C
Manila
Biyernes, Hunyo 19, 2026

‘Crising’ isa nang tropikong bagyo; Maraming klase sa Metro Manila suspendido

- Advertisement -
- Advertisement -

LUMAKAS ang Tropical Cyclone “Crising” at naging tropical storm, na may lakas na hangin na 65 kph malapit sa gitna, at pagbugsong aabot sa 80 kph, ayon sa weather bureau ngayong Biyernes.

Mga graphics mula sa DOST-PAGASA

Itinaas na sa Signal No. 2 ang ilang bahagi ng Northern Luzon habang papalapit ang Bagyong #CrisingPH sa Cagayan at Babuyan Islands.

Manatiling alerto sa abiso ng mga lokal na awtoridad.

Samantala, maraming klase sa Maynila ang suspendido ngayong Biyernes dahil sa bagyo.

Pasig at Pasay ang pinakahuling nag-ulat ng pagsuspendi ng klase matapos halos lahat ng lokal na pamahalaan ay nag-post ng suspension ng klase sa kanilang social media Huwebes pa lang nang gabi.

Ito naman ang post ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) gabi ng Huwebes ng mga listahan na nagsuspendi ng kanilang klase:

  1. Valenzuela – online at in-person classes para sa kinder hanggang senior high school (public at private); online at in-person classes para sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela at Valenzuela City Technological College
  2. Malabon – online at in-person classes sa lahat ng antas (public and private)
  3. Taguig – in-person classes mula Kinder hanggang Grade 12 (public and private)
  4. Marikina – in-person classes sa lahat ng antas (public and private)
  5. Caloocan – in-person classes sa lahat ng antas (public and private)
  6. Parañaque – in-person classes sa lahat ng antas (public and private)
  7. San Juan – in-person classes sa lahat ng antas (public and private)
  8. Mandaluyong – in-person classes sa lahat ng antas (public and private)
  9. Pateros – in-person classes sa lahat ng antas (public and private)
  10. Las Piñas – in-person classes sa lahat ng antas (public and private)
  11. Muntinlupa – in-person classes sa lahat ng antas (public and private)
  12. Pasay – in-person classes sa lahat ng antas (public and private)
  13. Pasig – in-person classes mula Kinder hanggang Senior High School, kasama ang Early Childhood Care Development Centers and Alternative Learning System (public and private) Halaw sa ulat ng DOST-PAGASA at The Manila Times
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -