32.7 C
Manila
Biyernes, Hunyo 19, 2026

Gatchalian: Bagong batas na ‘Government Optimization Act’ magpapaangat sa serbisyo publiko

- Advertisement -
- Advertisement -

SINABI ni Senador Win Gatchalian na ang pagsasabatas ng Government Optimization Act ay lubos na magpapahusay sa paghahatid ng mas episyente at epektibong paghahatid ng serbisyo publiko, at magtitiyak na ang lahat ng resources ng gobyerno ay magagamit nang husto para sa kapakinabangan ng bawat Pilipino.

Sa pamamagitan ng pag-o-optimize ng mga yaman ng gobyerno, tinitiyak ng batas na ang pondo ng publiko ay ginagamit nang mas epektibo. Ipinaliwanag ng chairperson ng Senate Finance Committee na mababawasan ang hindi pagiging episyente sa gobyerno kung i-merge o pagsama-samahin o ‘di kaya ay buwagin ang ilang ahensya na may overlapping functions para sa mas maayos at mas mabilis na burukrasya.

Ayon sa mambabatas, pinapayagan ng batas ang reorganization ng mga ahensya ng gobyerno upang alisin na ang redundancy sa trabaho at gawing mas simple ang mga operasyon. Inaasahan na ito ay hahantong sa mas mabilis na pagtugon sa serbisyo publiko      dahil ang resources sa gobyerno at mga tao ay mailalagay sa mga lugar kung saan sila magkakaroon ng mas malakas na epekto.

“Ang batas na ito ay tungkol sa pagbibigay-prayoridad sa ating taxpayers. Sa pag-o-optimize ng mga ahensya ng gobyerno, tinitiyak nating naibabalik sa mamamayan ang bawat pisong buwis sa anyo ng mas mabilis at maayos na serbisyo,” ani Gatchalian, na siyang co-author ng naturang batas.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -