32.7 C
Manila
Biyernes, Hunyo 19, 2026

Sen Alan, itinutulak ang entrepreneurship sa pamamagitan ng hobbies

- Advertisement -
- Advertisement -

HINIHIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga Pilipino na gawing maliit na negosyo o karagdagang pagkakakitaan ang kanilang mga hobby.

Sa isang episode ng kanyang vlog na “CIA 365 with Kuya Alan,” sinabi ng senador na umaasa siyang mas marami ang magkakaroon ng interes sa pagnenegosyo nang hindi kinakailangang iwan ang kanilang regular na trabaho.

“Gusto ko i-encourage kayo sa sense of entrepreneurship,” aniya.

Nilinaw ni Sen. Alan na ang pagiging negosyante ay hindi awtomatikong mas maganda kaysa sa pagiging empleyado ng isang regular na trabaho. Pareho aniya itong may hamon.

“Minsan when you own your own business, 24/7 ka especially the first six months or 1 year or especially kung hindi kumikita right away,” sabi niya.

Bilang halimbawa, tinukoy ng senador ang lumalaking merkado ng collectibles na pwedeng gawing pagkakakitaan ng mga mahihilig dito.

Binanggit din niya na maraming Pilipino ang nagko-collect ng NBA merchandise, Pokémon items, at trading cards.

“Alam mo panahon ngayon ng collectibles, toys, and since noong pandemic, grabe ang pagtaas ng presyo ng maraming mga collectibles,” sabi ni Sen. Alan.

Tinukoy din niya ang content creation bilang isa pang hobby na umuusbong ngayon bilang side hussle ng marami.

Umaasa ang senador na mas maraming Pilipino, lalo na ang kabataan, ang makakahanap ng balanse sa kanilang trabaho at mga negosyo na nakabatay sa kanilang passion.

Inilunsad ng senador ngayong taon ang kanyang vlog bilang bahagi ng kanyang public service initiative. Layunin ng online program na magbigay ng makabuluhang pananaw at makipag-ugnayan sa mga Pilipino araw-araw sa pamamagitan ng talakayan tungkol sa wisdom, faith, at values.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -