30.2 C
Manila
Sabado, Hunyo 20, 2026

Imee: Sa wakas batas na ang abot-kayang internet

- Advertisement -
- Advertisement -

GANAP ng batas ang Konektadong Pinoy Act na unang isinulong ni Senadora Imee Marcos. Ito ay matapos lumipas ang nakatakdang panahon upang mapirmahan o ma-veto ng pangulo ang nasabing panukala noong Sabado, Agosto 23.

Dahil sa magandang balitang ito, garantisado na ang mas mababang presyo at mas magandang serbisyo ng internet sa bansa.

“Panahon na para tapusin ang mabagal, mahal, at pahirapang internet sa bansa, hindi na ito dapat maging pribilehiyo ng iilan, kundi serbisyo na para sa lahat,” dagdag pa ng senadora.

Ayon kay Marcos, mas maraming negosyo rin ang inaasahang pumasok kasabay ng mas mabilis at mas abot-kayang internet.

Sinisiguro rin ng bagong batas ang proteksyon sa karapatan ng mga konsyumer sa pamamagitan ng agarang pag-asikaso sa kanilang mga hinaing sa koneksyon.

Benepisyo rin ng batas ang espesyal na diskwento para sa mga mag-aaral.

“Wala ng batang mahuhuli sa klase, wala ng OFW ang mapuputol ang tawag, at wala ng negosyong mapag-iiwanan dahil lang sa internet,” pagtatapos ni Marcos.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -