HINDI maaaring ibalik ng Kamara sa Malacañang ang National Expenditure Program (NEP) para sa 2026 matapos matuklasan ang mga “mangled” na entries nito, ngunit may mas mainam na opsyon na maaaring gawin, ayon kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson nitong Huwebes.

Ayon kay Lacson, maaaring magsumite ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng errata sheets at idaan ito sa Department of Budget and Management (DBM) para pag-aralan at i-adopt ng Kongreso.
“BUDGET 101: Congress cannot return the NEP to Malacañang since it is only a budget proposal, not an Enrolled Bill for approval or line-item veto by the President. However, the DPWH through the DBM may submit errata sheets but it is up to Congress to adopt such ‘errata’ or not,” ani Lacson sa post sa X.
Ginawa ni Lacson, na mahigpit na tagabantay ng kaban ng bayan, ang suhestyon matapos ipahayag ng ilang party leaders sa House of Representatives na nais nilang ibalik ang NEP sa Malacañang.
Ani House Deputy Speaker Ronaldo Puno, maaaring kailangan nilang “practically redo” ang pagsumite at ayaw nilang masangkot sa anumang hindi kanais-nais na hinala.
Binigyang-diin din ni Lacson na kung hindi tinuligsa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Kongreso kaugnay ng pagbaha dulot ng sunud-sunod na bagyo, mananatiling hindi napipigilan ang pagmamanipula ng budget.
Kamakailan lamang ngayong linggo, pinuna ni Lacson at ng ilang kapwa mambabatas ang ilang items sa NEP na, ayon sa kanya, nagpapakita ng sabwatan sa pagitan ng DPWH at ilang mambabatas.
Nabanggit ni Lacson ang karanasan ni Senate minority leader Vicente Sotto III kung saan may tumawag na taga-DPWH sa staff ni Sotto matapos nitong manalo sa eleksyon. Ayon sa taga-DPWH, maaaring magpalista si Sotto ng insertions. Hindi kumagat si Sotto dito.
“Had PBBM not called out Congress after typhoons Crising, Dante and Emong caused a swath of destruction last August, the mangling of the national budget would have remained unabated. The discovery of red flags in the NEP ‘insertions’ exposes collusion between DPWH and legislators,” ani Lacson.
Basahin din sa: https://pinglacson.net/2025/09/04/lacson-congress-cant-return-nep-to-palace-but-smarter-option-available/



