32.7 C
Manila
Biyernes, Hunyo 19, 2026

Gatchalian planong maghain ng panukalang batas para i-regulate ang paggamit ng AI sa Pilipinas

- Advertisement -
- Advertisement -

SINABI ni Senador Win Gatchalian na pinag-aaralan niyang maghain ng panukalang batas na magreregulate sa paggamit ng artificial intelligence (AI) sa bansa, dahil sa lawak ng posibleng pinsalang maidudulot nito kung gagamitin sa masamang layunin.

“Kailangang magkaroon ng regulasyon sa paggamit ng AI. Kung gagawa ka ng videos at mga larawan gamit ang AI, dapat may accountability at kailangang i-disclose na gumamit ng AI dahil sa panahon ngayon na patuloy na umuunlad ang teknolohiya, napakahirap nang ma-detect kung AI o hindi, sabi ni Gatchalian, chairperson ng Senate Committee on Finance na nakaraang budget deliberations para sa panukalang pondo ng Department of Information Communications and Technology.

Ayon sa kanya, ang lumalawak na paggamit ng AI technology ay maaaring magpalala ng disinformation at magdulot ng mas malalim na hidwaan sa lipunan, pati na ng pagkawala ng tiwala ng publiko. “Napakadelikado nito lalo na’t ngayon na kahit na sino ay pwede nang maging AI artist. Kailangan nating pag-aralang mabuti at seryosohin ang teknolohiyang ito,” pagbibigay diin niya.

Sinabi ni Gatchalian na aktibong tinatrabaho ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa pag-takedown ng mga deepfake AI clips. Gayunpaman, ayon sa senador, mahalaga pa rin ang matatag at angkop na batas upang ma-regulate ang paggamit ng AI sa bansa.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -