26.4 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Kasabay ng pagpapatupad ng 2026 budget, muling naglulutangan ang mga isyung matagal nang ipinupunto ni Cayetano

- Advertisement -
- Advertisement -

NGAYONG nasa implementation stage na ang P6.793-trillion national budget para sa 2026, muling nagsisilutangan ang mga isyung matagal nang binibigyang diin ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano patungkol sa direksiyon at prayoridad ng paggastos ng pamahalaan.

Sa buong proseso ng pagtalakay sa 2026 General Appropriations Act – na nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang batas ngayong Lunes – paulit-ulit na iginiit ni Cayetano na ang mga pangako ng reporma at transparency ay dapat makita sa aktuwal na prayoridad ng gobyerno, lalo na sa rural development, nutrisyon ng mga bata, at suporta sa local government units (LGUs).

Para sa Minority Leader, hindi nasusukat sa magagandang pahayag ang kalidad ng pambansang budget kundi sa kung may tunay itong naidudulot na pagbabago sa mga komunidad na matagal nang napag-iiwanan.

“This was a great opportunity for a game-changer budget, yet it does not really promote rural development, and the unprogrammed funds are still there,” pahayag ni Cayetano sa deliberasyon ng Senado nang ipaliwanag niya kung bakit siya bumoto laban sa panukalang budget.

Bagama’t may mga ilang positibong hakbang aniyang ginawa, kabilang ang pag-veto sa P92.5-bilyon na unprogrammed appropriations, iginiit ni Cayetano na hindi ito sapat para maituring na tunay na transformative ang budget.

“Unprogrammed funds have always been a weak spot in the budget, and this veto puts accountability back at the center. This is a much better budget than last year, but it’s still not a game-changer budget,” aniya.

Binigyang-diin niya na sa laki at lalim ng mga problema ng bansa, ang kailangan ay mas “decisive” at komprehensibong mga solusyon.

“It’s an extraordinary budget with extraordinary problems. Dapat extraordinary rin y’ung solution. We cannot be half transparent. Yes, there are reforms and I acknowledge that. [Pero] kung magre-reform na rin tayo, itodo na rin natin,” aniya.

Isa sa paulit-ulit na tinukoy ni Cayetano ang hindi pantay na development spending, kung saan nananatiling sentro ang Metro Manila habang maraming rehiyon ang patuloy na napapabayaan.

Binanggit niya ang Mindanao Railway bilang isang proyektong sana ay nagsilbing malinaw na senyales ng tunay na decentralization at inclusive growth, subalit nanatiling walang pondo matapos suspendihin noong 2023.

“Nag-a-agree tayo na dapat mag-decentralize, dapat hindi panay sa Metro Manila ang mga programa, dapat train over cars, but the budget is not reflecting that,” wika niya.

Nagbabala rin siya na ang kakulangan ng pondo para sa development ng rural areas, mass transportation sa labas ng Luzon, climate adaptability, at LGU support ay patuloy na nagpapahina sa mga lokal na pamahalaan na nasa frontline pa man din ng paghahatid ng serbisyo sa mga komunidad.

Isa pang matagal nang dinidiinan ni Cayetano ay ang krisis sa child stunting, na aniya’y isang pambansang emergency na may pangmatagalang epekto sa lakas-paggawa at productivity ng buong bansa.

“Marami sa mga batang stunted ang magiging future PWDs. The earlier we intervene, the less we spend later on treatment and social costs,” giit ni Cayetano, sabay-diin na ang nutrisyon ng mga bata ay isang long-term investment.

Ngayong nagsisimula na ang implementasyon ng 2026 budget, iginiit ng Minority Leader na mahalaga ang tuloy-tuloy na pagbabantay para matiyak na ang mga ipinangakong reporma ay mauuwi sa tunay na pagbabago sa buhay ng mga Pilipino.

Ayon kay Cayetano, patuloy na babantayan ng Minority Bloc ang pagpapatupad ng budget, dahil ang tunay na sukatan ng reporma ay hindi aniya ang nakasulat sa papel kundi ang aktuwal na epekto nito sa mga komunidad sa buong bansa.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -