29.5 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

VP Sara bumisita sa Blanco Family Museum

- Advertisement -
- Advertisement -

MASAYANG ibinalita ni Vice President Sara Duterte na bumisita siya sa Blanco Family Museum sa Angono, Rizal.

Aniya, “Personal tayong dumalaw sa Blanco Family Museum sa Angono, Rizal noong nakaraang taon.

“Isang karangalan na personal tayong tinanggap ng magkakapatid na Michael Blanco, Noel Blanco, Glenn Blanco at Joy Blanco, na pawang mga pintor at manlilikha. Pinaliwanag nila sa akin ang ilan sa mga paintings na naroon.

Ang Bayan ng Angono ay tinaguriang Art Capital of the Philippines dahil tahanan ito ng maraming mga pintor at artist tulad ng National Artists na sila Carlos “Botong” Francisco (painting) at Lucio San Pedro (music).

Maraming salamat sa mainit na pagtanggap sa amin ng mga kawani ng Local Government Unit ng Angono, Rizal.

Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -