INIULAT ni Vice President Sara Duterte na pumunta siya sa burol ni dating Speker Jose De Venecia Jr saSimbahan na Bato Our Lady of the Annunciation Parish sa Brgy. Bonuan Gueset, Dagupan City.

“Kasabay ng ating pagbisita sa Dagupan City noong Linggo ay ang personal na pagpapaabot natin ng pakikiramay sa naiwang pamilya ni Former Speaker Jose de Venecia Jr. sa Simbahan na Bato—Our Lady of the Annunciation Parish sa Barangay Bonuan Gueset. Nakikiramay din tayo sa kanyang mga kaibigan at mga kababayan.
Pinili nating doon siya bisitahin sa lugar kung saan siya ipinanganak at naglingkod bilang kinatawan ng ikaapat na distrito ng Pangasinan sa mahabang panahon. Si JDV ang pinakamatagal na nagsilbing Speaker ng House of Representatives sa kasaysayan ng bansa.
Maraming salamat sa iyong serbisyo, JDV.



