28.4 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Sen Raffy Tulfo: Bilyones na halaga ng gamot, binubulok sa bodega ng DoH

- Advertisement -
- Advertisement -
MULI na namang sumiklab sa galit si Sen. Raffy Tulfo nang makatanggap siya ng reklamo mula sa mga nakapilang mga mahihirap na pasyente sa kanyang Action Center na humihingi ng vitamins at gamot para sa kanilang maintenance gaya ng sa diabetes, high blood pressure at gamot din pagkatapos ng chemotherapy, etc.
Ang sabi nila, pabalik-balik na sila sa kanilang mga barangay health center at maging sa mga public hospital para humingi ng libreng gamot ngunit palagi na lang daw walang available na stock.
Ito ay sa kabila ng taun-taon na napapabalitang bilyon-bilyong pisong halaga ng mga gamot ang nabubulok na lamang sa bodega ng DoH na laging natatalakay sa mga nakaraang pagdinig sa Senado, partikular sa mga budget deliberations para sa DoH.
Ayon sa Commission on audit (CoA), tinatayang ang halaga ng mga gamot na mga nag-e-expire sa bodega ng DoH at hindi na napapakinabangan ay aabot sa ₱18.5 bilyon noong 2015-2018, ₱2.2 bilyon noong 2019, ₱95 million noong 2020, ₱85 million noong 2021, ₱7.4 billion noong 2022, ₱11 billion noong 2023, at ₱134 million naman noong 2024.
Ayon pa sa CoA, ang DoH ay bumibili ng mga gamot taon-taon na hindi agad naidedeliver sa mga operating units nito, kaya nearly expired o expired na ito sa kanilang bodega at hindi na napapakinabangan.
Napakalungkot isipin na marami sa mga mahihirap nating kababayan ang nagkandamatay na lamang sa sakit dahil umaasa sa mga libreng gamot na hindi naibibigay sa kanila sapagkat ito pala ay pinabubulok lamang sa bodega ng DOH.
Kaya magsususmite si Sen. Raffy ng Senate Resolution in aid of legislation para maimbestigahan at matigil na ang kabulastugan na ito, at dapat may managot. Kinakailangang makasuhan, masibak sa tungkulin at maparusahan ng pagkakakulong ang sinumang personalidad, maging sa DOH o ibang sangay ng gobyerno, na naging dahilan ng pagkabulok ng mga gamot sa mga bodega ng ahensya.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -