27.6 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Ang Tulfo brothers at ako

REMOTO CONTROL

- Advertisement -
- Advertisement -

MAAARING tawaging “The King and I”  ang kolum na ito, sa paraan ng pag-uugnay ng mga pangyayari sa political scene.

Unang narinig ko si Raffy Tulfo sa radyo noong 2005. Malinaw ko pa rin itong natatandaan. Papunta ako noon sa meeting sa Cultural Center of the Philippines (CCP). Sumakay ako ng taxi at pagkaraan ng ilang minuto, binuksan ng driver ang kanyang radyo.

May lalaking naririnig na may natatanging boses at may bahid ng puntong Bisaya. Pinagagalitan niya ang isang pulis dahil sa umano’y krimen o pagkakamali. At ambot! Hindi nagpigil ang lalaking nasa radyo. Pinaulanan niya ng sunod-sunod na mura ang pulis na nasa kabilang linya.

Aba! Naisip ko, ano kaya ang sasabihin ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) dito? Tinanong ko sa driver ang pangalan ng lalaking marunong magalit. Sabi niya, “Raffy Tulfo.”

Limang taon pagkatapos, nagtatrabaho ako bilang Communications Officer sa United Nations Development Program nang imbitahan ako ng kaibigan kong si Luchi Cruz-Valdes, ang vice-president for News and Information ng TV5, na magtrabaho para sa kanila. Inaalok niya sa akin ang trabaho bilang head of News Research. Ang tungkulin ay magturo sa mga reporter kung paano magkalap at magsulat ng balita, para sa TV,
radyo at online news. Natuwa ako sa pagkakataong magturo sa susunod na henerasyon ng broadcast journalists kaya tinanggap ko ang trabaho.


Natatandaan ko ang unang araw ko sa trabaho, na kasing linaw ng natatandaan ko sa nangyari sa CCP grounds noong 2005. Sa sikip ng opisina ng TV5 sa Novaliches, nakipaghati ako ng mesa sa dalawa sa aking staff members, at ang mesang iyon ay malapit sa pinto ng studio. May show si Raffy Tulfo, at narinig ko ulit ang puntong Bisaya na nagagalit sa isang police officer. Sabi ko, “Wow. Noong nakaraang linggo,
nagtatrabaho ako sa magalang na mundo ng diplomacy; ngayon, nasa mabilisang mundo na ako ng broadcast journalism, Philippine style.”

Pero mas kaunti ang mga malulutong na mura ngayon, at nalaman ko na may naglilista ng lahat ng “bad words” na nabanggit on the air at multang ibinabawas sa sahod ni Raffy Tulfo. Sinabihan siya – at ang mga kapatid niyang sina Erwin at Ben – na mag-tone down, dahil ang istriktang si Mary Grace Poe na ang namumuno sa Movie and
Television Review Cinema Board (MTRCB). Sinabi niya na hindi mag-aatubiling magpataw ng matataas na multa ang MTRCB sa mga TV at radio shows na lumalabag sa batas, lalo na sa mga ipinapalabas o naririnig sa prime time.

Pitong taon akong nanatili sa TV 5. Bukod sa pagiging head of research, nag-host din ako ng daily radio show nang isang taon at daily radio show nang pitong taon. Sinusubaybayan ko rin ang lahat ng TV at radio shows, bilang parte ng aking trabaho.

Ang tatlong magkakapatid na Tulfo ay palaging tumatawag sa akin na “Professor” kahit na sinabi kong tawagin na lang nila ako ng Danton. Pero palaging sinasabi nila, “Iba po talaga pag Professor. Kailangan pong irespeto ang titulong iyan.” Ito ang unang senyales na iba ang personal na mga Tulfo sa performer na mga Tulfo.

- Advertisement -

Ilang beses lang ako nakatagpo kay Raffy, dahil laging wala na siya pagkatapos ng kanyang show. Pero palagi niya akong iniimbita sa mga birthday parties niya, na dinadaluhan ko hindi lang dahil sa pagkain kundi pati na rin sa mga bisita. Kakaunti lang ang mga politicians na naroon – hindi pa umaabot ng tatlo. Karamihan ng mga bisita ay
galing sa TV5 at mga personal na kaibigan ni Raffy.

Isang araw, tinanong ako ni Raffy kung pwede ba akong ma-interview ng anak niyang si Maricel para sa thesis nito sa University of Santo Tomas. Pumayag ako, at sinagot ko ang mga tanong ni Maricel. Tinulungan ko pa siya sa konteksto ng thesis niya. Binigyan ko rin siya ng mga pointers kung paano pa mahahasa ang kanyang pagsusulat at paghahatid ng kanyang mga puntos sa kanyang thesis.

Kinabukasan, masayang lumapit si Raffy Tulfo sa akin at lubos na nagpasalamat dahil tinulungan ko ang anak niya. “My daughter said you are very knowledgeable and very kind,” sabi niya sa Ingles. Sinabi ko lang sa kanya na iyan ang ginagawa ko kapag may mga estudyanteng nagtatanong sa akin tungkol sa mga leksyon o sa thesis nila. Simula
noon, palaging nakangiti si Raffy sa akin. Kapag nakikita niya ako sa malayo, lalapit siya sa akin at makikipag-kamay, tinatanong kung kamusta ako.

Sa kabilang banda, si Erwin Tulfo ay may radio show na “Punto Asintado” mula 7-10 ng umaga. Kapag pupunta siya sa ibang bansa, na kadalasan ay nangyayari sa huling dalawang linggo ng Disyembre, tumatawag siya sa akin at tatanungin kung maaari akong mag-host ng show niya. Usually ay co-host ko si Martin Andanar, na sa kalauna’y naging hepe ng presidential communications team ni President Rodrigo Duterte.

Minsan ay sisipain ni Martin ang paa ko sa ilalim ng mesa kapag matalas ang mga tanong ko sa mga police o military officers. Sasabihin ko naman na ang mga tanong ko ay magalang, pero kailangan talagang itanong.

Sa daan pauwi, minsan ay hihiling si Erwin na ma-phone patch siya sa show ko, na “Remoto Control,” para magbigay ng live update sa traffic. Policy kasi ng aming mga radio shows na updated sa lahat, mula sa traffic hanggang sa lagay ng panahon hanggang sa mga pangyayari sa araw na iyon. Madalas iyang ginagawa ni Erwin. Minsan, hihiling siya na maging co-host ko siya kapag nakakaramdam siyang may sakit pero kailangan niyang dumalo sa show. Laging formal at proper siya sa show niya
kapag nandoon ako, kaya nagbibiro ako sa kanya pagkataps ng show, tungkol sa proper behavior niya. Sasabihin lang niya, “Because the teacher is here, we have to behave.”

- Advertisement -

Mas marami akong interaksyon kay Ben Tulfo dahil pareho kami ng makeup artist. Pagkatapos niyang malagyan ng makeup, lalapit siya sa mesa ko na may dalang pagkain, o mga kwento niya. Ikinukwento niya sa akin ang tungkol sa yumaong ama nilang si Colonel Ramon S. Tulfo, Sr. Sinabi pa niya na ang tanging taong kinakatakutan talaga ng mga Kapatid na Tulfo ay ang kanilang ina na si Caridad Teshiba Tulfo, na madalas na nagpa -paalala sa kanila na mag-tone down sa wika sa kanilang mga
commentary.

Minsan ay nakikisabay ako kay Ben mula sa TV5 sa Novaliches hanggang Trinoma, at maraming kwento sa isa’t isa. Sasabihin niya na minsan ay naiinggit siya sa akin, dahil pwede lang akong sumakay ng taxi at walang gustong saktan ako. “Hindi tulad namin ng mga kapatid ko, marami kaming death threats…”

Nang tumakbo si Raffy bilang independent senator, nasa San Remigio ako sa hilagang Cebu, nagsusulat ng libro. Pero naglaan ako ng oras para ikampanya siya nang bahay-bahay sa hilagang Cebu. Pagkatapos ng halalan, pumunta ako sa US para sa isang writing fellowship sa MacDowell Arts Residency sa New Hampshire. Nang bumalik ako,
nakita ko si Raffy sa Radyo 5 at masaya siyang lumapit sa akin. Sinabi ko na ikinampanya ko siya sa hilagang Cebu pero hindi naman mahirap ang kampanya, dahil gusto siya ng mga tao doon.

Dati, kapag nagpo-post ako ng mga larawan ko sa Facebook kasama ang tatlong Tulfo brothers, dedma lang ang lahat. Ang tugon ng mga elite at edukadong kaibigan ko ay katahimikan. May ilang personal na nagme-message sa akin kung bakit may mga larawan ako kasama ang mga “tatlong itlog” (tawag nila sa kanila). Sinabi ko na
nakasama ko sila sa TV5 ng pitong taon at mga kaibigan ko sila.

Ngayon, sina Raffy at Erwin Tulfo ay mga senador na. Ang kanilang mga pangalan ay naging usap-usapan bilang presidential o vice-presidential candidates. Ang kamakailang survey ay naglagay kay Raffy at Vice President Sara Duterte na table, sa 46 percent.

Pero dalawang linggo na ang nakakarran, nagsabi sina Raffy at Erwin Tulfo na hindi sila interesadong tumakbo bilang president o vice-president. Pero bukas pa ang bintana para sa kanila sa eleksyon sa 2028. Ito ang kanilang natatanging pagkakataon. Pagkatapos nito, hindi namin alam kung saan bubugso ang hangin ng tadhana.

Kaya, ang aking bolang kristal ay nakatingin sa posibilidad na tumakbo si Ben Tulfo bilang president o vice-president sa 2028 elections. Nag-aral siya ng Journalism sa Lyceum of the Philippines at hepe siya ng sariling media company nang mahigit 21 taon. May executive experience siya; at sinabi ng isang UP professor na “si Ben ay mas sophisticated na mag-isip kaysa maraming mga politiko ngayon.”

Sa tingin ko, transferable ang Tulfo brand. Ito lang ang brand na puwedeng makipag-sabayan kay Sara Duterte, lalo na’t 50-50 ang impeachment nito sa ating magulong Senado. Matibay ang brand ng mga Tulfo. Hawak nila ngayon ang beat.

Ang mga nobela at maikling kuwento ni Danton Remoto ay mabibili sa National Book Store, Fully Booked, website ng Central Books, Shopee at Lazada; Kinokuniya sa Asia; at Amazon globally sa buong mundo.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -