PERSONAL na binisita ni Vice President Sara Dutere ang burol ng tatlong estudyanteng nasawi dahil sa pamamaril sa San Jose National High School sa San Jose, Tacloban City. Sila ay sina kaanak nina Joyancee Separa, 15; Chris Lorenz Fabian, 15; at Ayessa Nicole Dazo, 14.

“Binisita natin ngayong araw ang burol nila Joyancee, Lorenz, at Ayessa sa Tacloban City, Leyte—mga estudyanteng nasawi sa pamamaril sa loob mismo ng San Jose National High School noong June 22, araw ng Lunes.

“Personal nating ipinaabot ang ating taos-pusong pakikiramay, pati na ng aking buong pamilya, at ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo sa kanilang mga pamilya at kamag-anak na labis ang hinagpis sa sinapit ng kanilang mga mahal sa buhay.

“Kasabay nito ang panawagan ng kanilang mga magulang na sana ay hindi na maulit ang ganitong pangyayari at mabigyan ng hustisya ang kanilang mga anak.”



