30.1 C
Manila
Martes, Hunyo 16, 2026

Lacson: Tularan ang bagitong mambabatas na tumanggi sa suhol ng DPWH Engineer

- Advertisement -
- Advertisement -

SA wakas, may pwedeng pamarisan ang mga mambabatas.

Ikinagalak ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang huwarang ipinakita ng isang bagitong kongresista na tumanggi sa alok na suhol mula sa isang tiwaling district engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste Larawan mula sa The Manila Times

Pinuri ni Lacson nitong Linggo ng gabi si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste dahil sa kanyang “integridad at idealismo” matapos nitong ipaaresto ang naturang engineer sa pamamagitan ng isang entrapment operation ng pulisya.

“My snappy salute to neophyte Cong/ Leandro Leviste, Batangas 1st District for the successful police entrapment operation against a corrupt DPWH District Engineer who tried to bribe him with up to P360M in ‘kickbacks’ from infra projects in his district. May his tribe increase,” ani Lacson sa kanyang post sa X.

Sumagot din si Lacson sa isang netizen na nagsabi na balewala ang halagang iyon kay Leviste dahil sa kanyang yaman. Giit ni Lacson, mas mahalaga ang integridad at idealismo nito.

“I don’t think it is about his wealth; it’s his integrity and idealism. An inspiration for all the neophyte congressmen to emulate,” aniya.

Sa isang pahayag mula sa opisina ni Leviste nitong Lunes ng umaga, kinilala ang nasabing engineer bilang si DPWH Batangas 1st District Engineer Abelardo Calalo.

Kinasuhan siya ni Leviste ng direct bribery, corruption of public officials, violation of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at violation of the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials sa Office of the Batangas Provincial Prosecutor nitong Martes, Agosto 26.

“This goes beyond a P3.1 million bribe but rather up to over P300 million annually of… kickbacks from DPWH projects reserved for a congressman of the 1st District of Batangas,” pahayag ni Leviste sa mga reporters.

Sa panayam sa radyo nitong Lunes, sinabi ni Batangas provincial police chief P/Col. Geovanny Emerick Sibalo na nangyari ang pag-aresto 6 p.m. ng Agosto 22, matapos tumugon sila sa tawag ng tanggapan ni Leviste. Dito nila nahuli si Calalo na nagtatangkang suhulan si Leviste. Nabawi ang higit P3 milyon kay Calalo.

Sinubukan umanong suhulan ni Calalo si Leviste upang pigilan ang kanyang imbestigasyon sa mga flood control project ng DPWH sa distrito, nguni’t lumapit si Leviste sa pulis para gumawa ng entrapment na nagresulta sa pagkakaaresto ni Calalo. Kasalukuyang nakadetine si Calalo sa Taal Municipal Police Station.

Batay sa impormasyon na nakuha ni Lacson, ang P3.6 milyon na dinala ni Calalo ay umano’y paunang bayad, na susundan pa ng karagdagang P15 milyon.

Noong nakaraang linggo, nag-privilege speech si Lacson sa plenaryo upang ibunyag ang katiwalian sa mga kuwestiyonableng at ghost flood control projects, kabilang ang mala-sindikatong modus ng 1st Engineering District ng DPWH sa Bulacan.

Iginiit din niya ang kahalagahan ng pagkilos ng mamamayang gising sa isyung ito upang marating ang “loohikal na konklusyon” ng problema sa flood control project — ang  pagsasakdal, pagkakakulong, at pagpaparusa sa lahat ng sangkot, lalo na sa mga malalaking isda.

Kung hindi, aniya, lalo pang hihikayatin ang mga sangkot na ipagpatuloy ang katiwalian, at maaakit naman ang iba na pasukin ito.

Una nang binigyang-diin ni Lacson na nakatanggap ang DPWH ng humigit-kumulang P1.9 trilyon para sa flood control projects mula 2011, ngunit bigo pa ring mapigilan ang pagbaha. Tantiya niya, kalahati ng halagang ito ay maaaring nalustay sa katiwalian.

“For the past 15 years, lumala ito kasi nang nakita nilang lumulusot at napakadaling pagkakitaan, sabi ko nga piece of cake, tumodo sila,” ani Lacson. May dagdag na ulat ng Pinoy Peryodiko halaw sa ulat ng The Manila Times

 

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -