28.5 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

Samahang LGBTQIA+ ng LTFRB, inilunsad

- Advertisement -
- Advertisement -

OPISYAL nang inilunsad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang LGBTQIA+ Association o ang samahan ng mga kawani ng Ahensya na itinuturing na lesbian, gay, bisexual, transgender, intersex, queer/questioning, at asexual.

Sa flag raising ceremony noong Lunes, Nobyembre 6, 2023, na pinangunahan ng Office of the Executive Director (OED), nagtipon-tipon ang mga kawani ng ahensya upang bigyang-diin ang kahalagahan ng isang ingklusibong pamumuno sa pamamagitan ng pagbibigay ng mataas na paggalang sa bawat kasarian at pagsugpo sa anumang uri ng diskriminasyon sa mga indibidwal na bahagi ng LGBTQIA+ Community.

Kaugnay nito, ipinakilala ng LTFRB ang mga punong tagapamahala ng nasabing kapisanan na nakatakdang pamunuan ang mga proyektong magsusulong sa kapakanan ng LGBTQIA+ Community katulad ng HIV Awareness at Mental Health Awareness.

Inilatag din sa naturang maikling programa ang “Rainbow Wall” kung saan maaaring magsulat ng maikling mensahe na nagpapahayag ng suporta sa naturang proyekto. Nagsisilbi itong patunay na ang Ahensya ay isang LGBTQIA+ Friendly Agency na suportado ng buong Management Committee nito.

Samantala, binigyang-pugay naman ang dalawang kawani ng ahensya bilang pagkilala sa kanilang natatanging pagganap at katapatan bilang lingkod-bayan sa loob ng higit 40 taon. (SDL/LTFRB/PIA-NCR)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -