30.2 C
Manila
Biyernes, Hunyo 19, 2026

Bumulusok pababa ang year-on-year inflation sa 0.9% noong Hulyo. Anu-ano ang mga nag-ambag dito?

- Advertisement -
- Advertisement -

BUMABA ang year-on-year (YOY) inflation sa pinakamababa nitong antas sa loob ng halos anim na taon. At lumagapak ang walong-buwan na average inflation sa 1.69%, ang pinakamababa sa loob ng sampung taon.  (Table 1).

Ang patuloy na mababang inflation ay naranasan sa halos lahat ng sektor, maliban sa ilang produkto at serbisyo. Bumaba ang YOY inflation ng pagkain mula sa 0.1% sa -0.2% kahit na tatlong sunud-sunod na bagyo ang humagupit sa bansa simula noong Hulyo 19.

Bumaba ang presyo ng bigas ng -15.9%, ang pinakamababa nitong YOY inflation sa buong kasaysayan. Ito ay dahil sa pagtaas ng suplay mula sa masaganang ani na umakyat ng 6.9% noong unang dalawang quarter, ang pagbaba ng taripa sa inaangkat na bigas sa ibang bansa, ang pagbigay ng subsidiya sa mga mahihirap na bumibili ng mas murang bigas, at ang pagnormalisa ng klima at produksyon ng bigas sa buong mundo. Sinabayan ito ng pagbulusok pababa ng inflation ng  mais    sa -15.9% mula sa -14.3%; gulay sa -4.7% mula sa -2.8%; prutas sa  8.0% mula sa 9.7%; karne sa 8.8% mula sa 9.1%;  gatas at itlog sa 5.0% mula sa 5.1%; at ready-made food sa 2.0% mula sa 2.2%.  Tinabla nang bahagya ng mga items na ito ang pagratsada ng YOY inflation ng isda sa 6.3% mula sa 6.2%;  cooking oil sa 7.8% mula sa 7.1%; at tinapay sa 1.5% mula sa 1.3%.

Lumobo ang YOY inflation ng non-food items ng 1.4% mula sa 0.1% kahit na bumaba ng YOY inflation ng education services (4.3%); utilities (2.1%); kasama ang housing, water, electricity, gas at other fuels (2.1%);  personal care at miscellaneous services (2.3%); at  transport (-2.0%). Di gumalaw ang household furnishings and maintenance (2.1%); recreation, sports and culture (2.0%), at financial services (0.0%). Ngunit umakyat ang alcoholic beverages and tobacco (4.2%); health (2.6%), restaurants at accommodation services (2.3%); clothing at footwear (1.8%); at  information and communication (0.5%).

Nagnormalisa naman  ang  month-on-month  (MOM)     inflation    sa                 0.3% mula sa 0.2% noong Hunyo.  Naging positibo sa mababang antas ang  MOM inflation ng pagkain sa 0.1% kahit na nabiktima ng bagyo ang  presyo ng mais na umakyat ng 4.1%, 2.9% ng gulay, karne na umangat ng 0.7%, at 0.5% ng oils and fats kasama ang gatas at itlog, 0.3% ng tinapay at pasta, at ready-made food (0.1%). Ngunit patuloy na negatibo ang MOM  na   galaw ng  presyo  ng  bigas (-2.2%), prutas (-0.1%), at  asukal (-0.1%).


Sa non-food category naman,  umakyat ang MOM inflation ng 0.2% mula sa 0.1%.  Nagpagalaw dito ang 1.4% pagtaas ng tuition sa mga bagong-bukas na paaralan. Banayad na paglobo ng 0.3% ang ipinakita ng alcoholic beverages and tobacco;  health; at restaurants and accommodation services; 0.2% ng clothing and footwear; housing, water, electricity and other fuels; transport; recreation, sports and culture; at personal care and miscellaneous goods and services. Tanging financial services ang di gumalaw sa 0.0%.

Bumaba ang core inflation sa YOY inflation na 0.9% at at nanatili sa MOM inflation na 0.2%.  Dahil ang naitalang 0.9% na YOY inflation ay mas mababa kaysa sa  lower end ng target inflation range na 2-4%, siguradong itutuloy ng BSP ang pagpapaluwag ng antas ng liquidity. Kailangan ito para lumapit o kaya ay makamit ang higher-end ng growth target na 6.5% sa 2025.

Table 1. CONSUMER PRICES YEAR-ON-YEAR (YOY) MONTH-ON-MONTH (MOM)
May June July May June July
ALL ITEMS 1.3 1.4 0.9   -0.3 0.2 0.3
FOOD AND NON-ALCOHOLIC BEVERAGES 0.9 0.4 -0.2   0.2 0.9 0.1
NON-FOOD ITEMS 1.5 0.1 1.4   -0.1 0.1 0.2
Alcoholic Beverages and Tobacco 3.8 3.8 4.2   0.0 0.2 0.3
Clothing and Footwear 1.6 1.7 1.8   0.1 0.0 0.2
Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels 2.3 3.2 2.1   -1.1 -0.5 0.2
Furnishings, Household Equipment and Routine Household Maintenance 2.0 2.1 2.1   0.0 0.2 0.1
Health 2.4 2.4 2.6   0.2 0.2 0.3
Transport -2.4 -1.6 -2.0   -0.6 0.6 0.2
Information and Communication 0.4 0.4 0.5   0.0 0.0 0.1
Recreation, Sport and Culture 2.2 2.2 2.2   0.1 0.1 0.2
Education Services 4.2 5.4 4.3   0.0 0.2 1.4
Restaurants and Accommodation Services 2.0 2.1 2.3   -0.2 0.2 0.3
Financial Services 0.0 0.0 0.0   0.0 0.0 0.0
Personal Care, and Miscellaneous Goods and Services 2.5 2.4 2.3   0.1 0.0 0.2
   
CORE ITEMS 2.2 2.2 0.9          0.2        0.2 0.2
FOOD 0.7 0.1 -0.2   -0.1 0.1 0.1
Rice -12.8 -14.3 -15.9   -2.4 -1.6 -2.2
Corn -10.6 -14.5 -15.9   0.3 1.8 4.1
Flour, Bread and Pasta Products 1.2 1.3 1.5   0.1 0.1 0.3
Meat 7.9 9.1 8.8   0.7        2.0 0.7
Fish 5.7 6.2 6.3   -0.4 -0.1 0.0
Milk and Eggs 4.9 5.1 5.0   -0.2 -0.1 0.5
Oils and Fats 5.8 7.1 7.8   1.0 1.3 0.5
Fruits and Nuts 8.3 9.7 8.0   0.1 -0.5 -0.1
Vegetables 3.4 -2.8 -4.7   3.2 -0.2 2.9
Sugar -0.6 -0.7 -0.5   0.0 -0.1 -0.1
Ready-Made Food and Other Food Products 3.0 2.2 2.0   0.6 0.4 0.1
Non-alcoholic Beverages 3.3 3.7 4.0   0.5 0.4 0.1
Source: Philippine Statistics Authority

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -