31.7 C
Manila
Biyernes, Hunyo 19, 2026

Kapakanan ng seafarers agad tinalakay ni Sen Raffy sa newly-appointed DFA ambassadors

- Advertisement -
- Advertisement -

NAG-COURTESY visit sa tanggapan ni Committee on Migrant Workers Chairperson Sen. Raffy Tulfo sa Senado ngayong araw, Aug. 26, ang mga bagong itinalagang ambassadors ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pangunguna ni former Sec. Enrique Manalo.

Nakatakda silang sumalang sa confirmation ng Commission on Appointments (CA) sa darating na mga araw. Ito ay sina Amb. Pablito Mendoza (Denmark), Amb. Gines Gallaga (Bahrain), Amb. Marlowe Miranda (Lebanon), DAS Dinno Oblena (Promotion to Chief of Mission, Class II), Amb. Noel Novicio (Fiji) at Amb. Jaime Ascalon (Turkiye).

Kasama rin nila ang ilang undersecretaries at assistant secretaries kabilang na sina Usec. for Administration Tess De Vega, Usec. for Migration Affairs Leo Herrera-Lim at Asec. Patrick Hilado.

Ang unang hirit agad ni Sen. Raffy sa kanila ay tungkol sa kapakanan ng ating OFWs at seafarers, partikular na ang insidente sa Estados Unidos kung saan maraming marino ang biglaang na-deport nang walang due process matapos pagbintangan ng US Immigration and Customs Enforcement (ICE) na nag-access sila ng pornographic materials — kahit walang naipakitang ebidensya laban sa kanila.

Mariin ding hinikayat ni Sen. Raffy na makipag-ugnayan ang mga bagong opisyal sa kanilang mga counterparts sa mga bansa kung saan sila assigned upang gawing polisiya ang pagbabawal sa pagkumpiska ng employers ng passport ng OFWs, na talamak sa Middle East.

Sa huli, nagkasundo sila na magsanib-puwersa sa pag-alalay at pagprotekta sa ating mga seafarers at OFWs upang matiyak na hindi sila maaagrabyado o maaapi.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -